Sa Patuloy na Dagundong ng Tsismis na Bumubulong


Sa Patuloy na Dagundong ng Chismis na Bumubulong

Ni: Mark Vincent D. Lapis

 

"Sikretong malupit pwede pabulong— makinis, maputi siya pero ba't ganun?"

Naluluma ang kagamitan ngunit hindi ang kaugalian. Marami ng kinagisnan na kultura ang mga Pilipino na tumatak hanggang ngayon, isa na dito ang meryenda at paboritong past time ng mga Pinoy— ang chismis. May kasama mang pagkain o wala, kapag may nag-uumpukan na mga tao, tiyak simula na ng bagong chismis— bagong estorya at isyung madalang makita ang katotohanan.

Nagsimula sa isang mabuting kaugalian ng mga Pilipino ang ganitong gawain. Marami mang eksperto ang nais bigyan ito ng paliwanag at saan ito nanggaling, ngunit ang ganitong  kinagisnan ay ipinanganak at nagsimula sa bawat pamilyang Pilipino. Galing sa unang pakikipag ugnayan sa bawat miyembro ng pamilya gaya ng simpleng "Kamusta? Ano ang nangyari" kapag may umuuwi sa bahay.

Ngunit sa pagdaan ng panahon, ang kinagisnan nating kaugalian ay biglang nagbago. Ayon kay Jose Paolo Calcetas sa kaniyang vlog na 'Gaano ka Kahilig sa Chismis' ay kaniyang  pinaliwanag ang obserbasyon na ang chismis ay isang tatak na ugali ng Pilipino na tinatawag na 'Close Family Ties' na dala-dala natin hanggang tayo ay nakalabas sa pagkabata at pasukin ang labas ng tahanan.

Chismis.

Isang salita, ngunit maraming nakakatuwa, nakakaaliw at nakakahubog ng kuryusidad ng isang tao ang nasa likod nito.  Marami na ang lumalaganap na chismis— sa kanto, sa restaurant, sa parke ay dumadagundong ang bulong-bulong na chismis. Ngunit mas nakakabahala rin ang ganitong gawain dahil nangyayari din ito sa simbahan at mas nakakalulang isipin na dahil sa libangang Pilipino na ito ay nakakalimot na sa mas mahalagang responsibilidad.

Sa  video ni JPC ibinahagi niya ang apat na klaseng tsismosa: ang Eavesdropper, Cheese Missed, Human CCTV at Tongue in a Maw. Kaniyang ipinaliwanag isa't -isa ang mga ito at nagbigay ng mga katanungang susubok kung gaano ka kahilig sa chismis at gaano kalala ang iyong pagiging chismosa. 

May narinig lang ang usapan dahil sa maliit na espasyo, gusto lang malaman ang bagay-bagay sa paligid dahil sa kuryusidad, naghahagilap ng chismis at gutom sa mga estoryang bubusog sa naglalaway na bibig at tainga. Ang tanong, alin ka dito?

Hindi makakaila na isa sa pambansang chismosa ay ang ating kapitbahay. May iba't-iba tayong karanasan dahil sa kanila at marami tayong naririnig na bulong na nakakakwestiyon kung ito ba ay totoo o hindi. Sa videong ginawa ni JPC ay nakakamulat ang kaniyang iminungkahi na dapat marunong tayong tumimbang sa tahi-tahing usapan at alamin kung sino ang paniniwalaan o hindi dahil alam natin ang tama at mali.

"Wala ako sa posisyon para sabihing tama o mali ang pagiging chismoso, ngunit isang maling tao lang ang iyong masabihan, tiyak bukas alam nayan ng buong bayan."— JPC.

Tandaan! 

Ipasok natin sa tainga labas sa kabila hindi sa bibig.

Comments

Popular posts from this blog

Here is to Those Who Think They Are Just Mediocre

Forgotten Vows of the Carabaos

WHO IS THE REAL WINNER IN LIFE?